Wednesday, August 1, 2007

suka


sabi ko sa sarili, "napakawalang kwenta ng karamihan ng mga taga-UP". totoo yon. akala nila, mababago nila ang mundo. kala mo kung sinong nakakaalam ng kahirapan ng mga tao, kala mo kung sinong nagmamarunong. ang gagaling magrason, ang daming reklamo sa buhay, lahat napupuna liban sa sarili. puro kagaguhan. sa klase ang gagaling magtalak. ayaw daw sa imperyalista, ayaw sa mga kano, ayaw sa presidente, at pinakakagaguhan- ayaw daw sa sistema. pweh, kala mo naman kung sinong nakapagtapos ng law o kaya naman kala nila kung sinong nakakainitindi sa mga "isms" na pinagsasabi. may nagpupumilit na sistema daw kalaban at di mga tao. kagaguhan!!! di ba tao din naman yong gumagawa ng sistema. mga tanga, puro salita la namang konkretong panukala. ang iba naman kala mo kung sinong pwedeng mamuno, la naman laman ang utak. nagmamagaling! pag-aawayan naman minsan kung reporma o rebolusyon. pambihira! lang kwenta at aksaya ng oras. puro reklamo, puro kritisismo, asan ba ang paggawa?
di ko alam pero minsan ganito ang pakiramdam ko. nabubuwisit sa kanila. hayaan nyo na ako isa lamang itong suka!


(Written 7:45PM 5 February 2006)